Pagtatalo o Debate -Binubuo ng pangangatwiran ng dalawang magkasalungat na panig tungkol sa isang paksang pinagkakaisahang talakayin. Ang pagtatalo ay maari ring nakasukay o kaya'y binibigkas.
Mga Sangkap ng mabuting Panghihikayat 1. Dapat magtanong lamang ng nasasagot ng oo o hindi. 2. Huwag payagang magtanong sa katalo ang kalaban. 3. Huwag bigyang pagkakataon ang katalo na aksayahin ang nakalaang panahon ng kalaban. 4. Dapat magtanong tungkol sa buod na kanilamg napagkasunduan lamang. 5. Kung lumalabag sa tuntunin ng pagtatanong ang isa sa nagtatalo, dapat na ipabatid sa tagapangasiwa.
Mga katangian ng isang Kapasyahang Nakabagay sa pagtatalo 1. Ang paksa ay dapat na may nilalamang isang buod lamang. 2. Ang paksa ay dapat nakawiwili sa mga nagtatalo sa madla. 3. Ang paksa ay dapat payak at di-malawak. 4. Ang paksa ay dapat magbigay sa panig na panang-ayon ng bigat na pagpapatunay. 5. Ang paksa ay unang pagsasanay at dapat tumatalakay sa isang maliwanag at kailangan kapasiyahan.
Sa pangangatwiran ay tinutuklas at ipinapakita kung paanong ang mga pangyayari o datos at naghahatid ng kongklusyon. Kapag ang ating pangagatwiran, mga pangyayari o datos at magkatugon, ang pagmamakatuwid ay tumitibay.
Awtoridad Sila ang mga dalubhasang nagpapatotoo sa pahayag ng isang tao o ng isang pangkat o lupon ng mga tao na taglay ang mahuhusay na katangian o malalaking kakayahan tungkol sa isang sangay ng karunungan o gawain. Dahil doon iginagalang ang kanyang kuro-kuro at pahayag tungkol sa gayang gawain o karunugan.