1 of 6

Slide Notes

DownloadGo Live

Ang Aking Talambuhay

Published on Nov 18, 2015

No Description

PRESENTATION OUTLINE

Ang Aking Talambuhay

Akda ni:Jaime Lorenzo Diaz de Rivera

Ako ay si Jaime Lorenzo Del Rosario Diaz de Rivera. Ako ay ipinanganak noong Agosto 7, 2003 sa Cardinal Santos Medical Center. Ang mga magulang ko ay sina Antonio Gerardo Diaz de Rivera at Ma. Theresa Del Rosario. Ako ay may kapatid na babae si Anika Beatriz Diaz de Rivera.

Ako ay nag-aral sa Kiddie Lab mula taong 2007. Noong 2009, pumasok ako sa De La Salle Santiago Zobel. Ako'y nasa ika-anim na baitang ngayon. Ang mga paborito kong aralin ay Math, Science at Computer. Nanalo ako sa Spelling Bee sa WizUp noong ako'y nasa ikatlong baitang. Nakapagsulat din ako ng artikulo sa Young Observer ang magasin ng paaralan noong ako'y nasa ikalimang baitang.

Mahilig akong magbasa, bumisita sa iba't ibang lugar, kumain ng mga masarap na pagkain, kumanta, sumayaw, at gumawa ng presentasyon gamit ang kompyuter.

Mahalaga sa akin ang Diyos, pamilya, edukasyon, at mga kaibigan. Ang aking pamilya ay sama-samang nagsisimba, at masaya kaming namamasyal at kumakain sa iba't ibang lugar.

Ang pangarap ko ay maging isang experto sa teknolohiya dahil dito magsisikap at mag-aaral ako ng mabuti upang makamit ito.