PRESENTATION OUTLINE
MGA SANGKAP NG KOMUNIKASYON: ANG ESPASYO
Malaki rin ang epekto ng espasyo o lunan na pagdarausan ng pagpapahayagan. May mga lunan na kailangan ang pormal na pag- uusap gaya ng simbahan, paaralan, o kaya'y plasa. Hindi naman kailangan maging pormal ang usapan kung ang lunan ay kantina, sa tabing kalye, o sa pasilyo kaya ng isang gusali. Ang kalapitan at kalayuan din ng mga nag-usap ay nagdedetermina rin ng uri ng komunikasyon na nagaganap. Pansinin ang mga sumusunod na layo at lapit ng pagpapahayagan.
DISTANSYANG INTIMEYT:
Ang mga nag-uusap ay may lapit na 1-1/2ft gaya ng pag-uusap ng mag-asawa or magkasintahan o matalik na kaibigan.
DISTANSYANG PERSONAL:
Ang mga nag-uusap ay may lapit na 1 1/2ft - 4ft gaya ng magkaklaseng nagtatalakay sa kanilang ulat o magkaibigang nagkukumpara ng kanilang mga napamili.
DISTANSYANG PANLIPUNAN:
Ang mga nag-uusap ay may layong 4ft - 12ft tulad ng isang kandidato sa mga botante, ng aplikante sa trabaho at ang nag-iinterbyu.
DISTANSYANG PANGMADLA:
May layo itong higit sa 12ft tulad ng nagaganap sa tagapagsalita ng isang seminar o ng brodkaster sa madla o ng pangulo ng bansa sa kanyang SONA.