1 of 11

Slide Notes

DownloadGo Live

Ang Parol Ng Pasko

Published on Feb 09, 2016

No Description

PRESENTATION OUTLINE

Ang Tunay na Parol ng Pasko

sa kanya ay may buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito nagapi kailanman ng kadiliman.

Ito ang tunay na ilaw: dumarating ito sa sanlibutan upang magbigay liwanag sa lahat ng tao. (‭Juan‬ ‭1‬:‭4-5, 9‬ RTPV05)

Photo by davedehetre

Muling nagsalita si Jesus sa mga Pariseo. Sinabi niya, “Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw sa kanyang buhay at di na lalakad sa kadiliman.” (‭Juan‬ ‭8‬:‭12‬ RTPV05)

Habang ako'y nasa sanlibutan, ako ang ilaw ng sanlibutan.” (‭Juan‬ ‭9‬:‭5‬ RTPV05)

Photo by Jesper Hauge

Ganito ang paghatol ng Diyos: naparito sa sanlibutan ang ilaw, ngunit inibig pa ng mga tao ang dilim kaysa liwanag, sapagkat ang kanilang mga gawain ay masasama. Kinasusuklaman ng mga gumagawa ng masama ang ilaw, ni hindi lumalapit dito upang hindi mahayag ang kanilang mga gawa. Ngunit ang namumuhay ayon sa katotohanan ay lumalapit sa ilaw, upang maihayag na ang mga ginagawa niya ay pagsunod sa Diyos. (‭Juan‬ ‭3‬:‭19-21‬ RTPV05)

Photo by udithawix


Sinabi ni Jesus, “Hindi ba't may labindalawang oras sa maghapon? Hindi matitisod ang lumalakad kung umaga sapagkat nakikita niya ang nagbibigay-liwanag sa daigdig na ito. (‭Juan‬ ‭11‬:‭9‬ RTPV05)

Photo by jenny downing

Subalit natitisod ang lumalakad kung gabi sapagkat wala na siyang liwanag.” (‭Juan‬ ‭11‬:‭10‬ RTPV05)

Photo by Claudio.Ar

Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kaunting panahon na lamang ninyong makakasama ang ilaw. Lumakad kayo habang kasama pa ninyo ang ilaw upang hindi kayo abutin ng dilim. Hindi alam ng lumalakad sa dilim kung saan siya pupunta. Sumampalataya kayo sa ilaw habang kasama pa ninyo ang ilaw, upang kayo'y maging mga anak ng liwanag.” Pagkasabi nito, si Jesus ay umalis doon at hindi na muling nagpakita sa kanila. (‭Juan‬ ‭12‬:‭35-36‬ RTPV05)

Photo by angela7dreams

Ako'y naparito bilang ilaw ng sanlibutan, upang ang manalig sa akin ay huwag manatili sa kadiliman. (‭Juan‬ ‭12‬:‭46‬ RTPV05)

Photo by Kamal Zharif