Dinoble ng imperyo ang puwersa ng sandatahang lakas.
•Nalimas ang kabang bayan
•Krisis ekonomiya ng emperyo
•Humina ang kalakalan, pagkawasak ng kaayusan sa pulitika
•Ang mga negosyo ay na apektohan na bangkarote at nalugi, dahil sa kaguluhan at iba’t ibang krimen
•Sa pamahalaan, nagging mahina ang pamumuno. Walang tunay na kapangyarihan ang Senate at Assembly. Madalang ang mapayapang pagpapalit ng emperador. Ang kamatayan ng isang emperador ay hudyat ng agawan para sa posisyon.
Pagkatapos ng halos isang siglo ng kaguluhang sibil, matagumpay na pinigil nina Diocletian (284-305 C.E) at Constantine (306-337 C.E) ang tuluyang pagkasira ng imperyo.
Hinati ni Diocletian ang imperyo sa dalawa noong 285 C.E. Kumuha siya ng isang emperador upang pamunuan ang kanlurang bahagi samantalang pinangasiwaan niya ang silangang bahagi.Ang despotism ay nangangahulugang ang kapangyarihan ng pinuno ay walang limitasyon.
Muling nagkaroon ng digmaang sibil at ang natira na lamang na pinuno ay si Licinius (silangan) at Constantine (kanluran). Nanalo si Constantine at napag isa niya muli ang Roma.
Pinatay ng mahigpit na pamamalakad ng pamahalaan ang pagkukusa ng karaniwang tao. Ang huling emperador ng ngakakaisang imperyo ay si Theodosius I (382-395 C.E) Sa pagkamatay niya noong 395 C.E., ang imperyo ay nahati sa dalawa niyang anak na sina Honorius at Arcadius.
Pinatay ng mahigpit na pamamalakad ng pamahalaan ang pagkukusa ng karaniwang tao. Ang huling emperador ng ngakakaisang imperyo ay si Theodosius I (382-395 C.E) Sa pagkamatay niya noong 395 C.E., ang imperyo ay nahati sa dalawa niyang anak na sina Honorius at Arcadius.
Sa loob ng maraming daang taon, nagsagawa ng panggigipit ang mga tribong Germanic sa hangganan ng Imperyong Roman.
Noong 105 B.C.E., binigyan ng mga mandirigmangGermanic ng isang kakila-kilabot na pagkatalo ang hukbong Roman. Noong 9 C.E., tuluyang winasak ng mga tribong Germanic ang tatlong legion o hukbo ng Rome. Mula noon, napanatili ng hukbong Roman ang hangganan ng imperyo sa Rhine River at sa Danube River.
Sa panahon ng pamumuno ni Marcus Aurelius mula 161 hanggang 180 C.E., lubhang nagging mahirap para sa Imperyong Roman na pigilin ang mga tribong Germanic.
Sa Labanan sa Adrianople noong 378 C.E., tinalo ng hukbong Visgoth ang hukbo ni emperador Flavius Valens (364-378 C.E.,) na ikinagulat ng lahat. Noong 410 C.E.. sa pangunguna ng kanilang pinuno na si Alaric, pinasok ng mga visigoth ang rome at dinambong ang lungsod.Noong 476 C.E tinalo ni Odoacer si Romulus Augustulus, ang huling emperador ng Imperyong Roman.
Sakanyang pagkapanalo, tinanghal si Odoacer bilang kauna unahang pinunong Germanic ng Rome. Kinilala ang petsang ito bilang pagbagsak ng Kanlurang Imperyong Roman
Sa pagtatapos ng ikalimang siglo, napasakamay ng mga tribong Germanic ang kanlurang bahagi ng Imperyong Roman.