Ang unang kaugnayan ng mga tao sa kalikasan ay meron silang napagkukunan ng pangkabuhayan. Katulad ng nasa dokyumentaryo ang kanilang pamilya ay umaasa sa Pangkata at binibenta para magkaroon ng pera para magamit nila sa pagpapaaral kay Jay R.
Ang pangalawang kaugnayan ng mga tao sa kalikasan ay meron silang natitirhan. Katulad ng nasa dokyumentaryo, nagsisilbing tirahan nila ang mga bundok o sa mga gubat. Dahil rin sa pagpuputol ng Pangkata mayroon silang maiitayong bahay.
Ang pangatlong ugnayan ng mga tao sa kalikasan ay mayroon silang nakukunan ng pagkain. Katulad nga ng nasa dokyumentaryo, may nakukuha silang kamote o kaya mais na ginigiling nila para makain.