PRESENTATION OUTLINE
Ang librong ito ay kongkretong ebidensiya ng ambag ng may-akda sa kilusang makabayan at nagbibigay ng linaw sa ugnayan ng kultura at kasaysayan sa isang mahalagang rehiyon ng bansa.
Isang kawal na nagbuwis ng buhay para sa tinuturing niyang ina, ang Inang Bayan.
“Inay, masakit po sa loob kong iwan kayo, ngunit may isa pang ina, isang inang nakahihigit pa sa inyo, ang ina ng lahat: ang Lupang Tinubuan! Mahigit na sa tatlong daan at pitumpung taon ang pang-aalipin sa atin ng mga Kastila, at panahon na upang humiwalay tayo sa kanila.” (3)
Kinupkop ng lalaki ang isang babae na ulila nang lubos; nagpakasal sila at nangakong kapag ayaw na nila sa isa’t isa ay sabihin na lamang at huwag pagtaksilan.
"Hiwalayan mo ako, limutin mo ako, patayin mo ako, ngunit huwag mo lang akong pagtaksilan. Iyon lang ang hinihingi ko sa iyo (9)
Tatlong anak na naulila ng kanilang amang nagpunta sa digmaan; hindi man lamang nila nakuha ang bangkay nito.
"Tentay, pupunta ako sa digmaan at iaalay ko ang aking buhay sa Watawat na nais yurakan ng ating mga kaaway" (19)
Nag-iisang anak na lalaki ang napagpasiyahang mag-asawa; nang mag-asawa na ay nakalimutan na ang ina; nang magkasakit ng ketong ay iniwan ng asawa; ang ina niya ang siyang nag-alaga sa kanya.
Ang pag-ibig ng isang ina
ay walang katapusan.
Isang matandang, mayamang babae ang nag-asawa muli ng isang batambatang lalaki; niloko lamang siya nito at kinakamkam ang lahat ng kanyang kayamanan.
“Torcuata: Huwag mo na akong sualtan at sayang ang selyo, tinta, papel at panahon, at nakagugulo ka lang sa akin. Wala kang pakialan sa akin. Wala akong asawang matanda. Humanap ka ng katulad mo, o kaya, pumunta ka na lang sa impiyerno.” (45)
Isang abogadong pinayuhan ang isang babae na kahit anupaman ang gawin ng kanyang asawa ay manatili sa piling nito, magtiis kung kinakailangan.
“Sapagkat ang iyong bana, kahit na puno ng kung ano-ano, ay bana mo pa rin. Tumuwad o baliktaran man ay asawa mo pa rin. Iyan ang utos ng batas ngayon. Nang kayo’y ikasal ng pari, hindi ba’t sumumpa ka sa harap ng mga saksi at ng pari, na magiging mabuting asawa ka at dadamayan mo siya hanggang kamatayan?” (51-53)
“Ang lalaki, kahit na magtaksil ay buo pa rin, ngunit ang babae, kapag nadumihan ay marumi na hanggang-hanggan.” (53)
“Ang isang mabuting babae ay dapat na tumulad sa kabaitan ng isang aso, na kahit na patayin sa palo, kahit patayin sa gutom, kahit ano pa ang gawin sa kaniya ay hindi nagtataksil at hindi iiwan ang kaniyang panginoon.” (55)
Isang amang ipinamulat sa kanyang anak ang mga kamalian sa paligid nito at pinayuhang huwag na huwag nitong gagayahin ang mga ito.
"Sa mundong ito, kung gusto mong umunlad at mabilis ang pag-akyat, huwag kang magsabi ng katotohanan. Kung nasa harap ka ng mapuputi, kumampi ka sa kanila, at kung nasa likuran ka ng maiitim, kumampi ka sa maiitim. "
"Huwag mong sabihin ang iyong pinaniniwalaan: kung nasa gitna ka ng mga Romano, magpaka-Romano ka; at kung ang katabi mo ay Aglipayano, Protestante o walang pinaniniwalaan, magpaka-Aglipayano at magpakaprotestante o magpakawalang pinaniniwalaan ka na rin. "
Kung may opisyal na mang-aapi at magnanakaw sa bayan, ipikit mo ang iyong mga mata at itikom mo ang iyong bibig.
Sa isang salita, magsinungaling, mangloko, mang –uto, maging mapagkunwari, maghambog at magtaksil sa pansariling damdamin, iyan ang mga dapat gawin upang umangat sa panahong ito. Ang mundo ay isang tanghalan: ang mahusay magdala ng kaniyang papel na ginagampanan, ang makatatanggap ng maraming palakpak.” (63-65, Ama at Anak)
Isang lalaking gustong maparusahan din ang kanyang pamangkin dahil sa paniniwala niyang si Eba ay may kinalaman sa pagkakasala ni Adan.
Sa Paraiso, ayon sa Bibliya, sa pagkakasala ni Adan at ni Eba, silang dalawa ang pinarusahan ni Bathala. At mabuti ang ginawa ni Bathala. Magagawa ba ang ganyang kasalanan kung hindi papayag ang babae?” (71)
"Sa babae, hindi mahuhugasan, hindi mabubura ang dungis sa karangalan. May katwirang ihambing ang babae sa salamin. Kapag nabasag, hindi na mabubuo kahit mabulok sa bilangguan ang inireklamo,"
Isang lalaking hindi pa nag-aasawa; pakakasalan niya dapat ang isang magandang babae ngunit napag-alamang ito pala ay taksil; sa huli, pinakasalan niya ang kanyang katulong na bagama’t pangit, ay alam niyang mamahalin siya nang lubos.
“Tingnan mo, kaibigan, isang babaing mahirap ang asawa ko, walang pinag-aralan, dati nang naanakan ng iba, at pangit na tulad ng isang gabing kumukulog. Pero dahil sa pagdamay niya sa akin, at dahil sa may anak na kami, at dahil na rin sa puso niyang ginintuan, siya ang pinili kong maging kasama sa buhay.”
Nagka-anak sa pagkadalaga ang isang babae ngunit dahil sa takot na mapahiya, ay pinamigay niya ang kanyang anak; nang mag-asawa siya at magkaanak, napag-alaman niyang nagkakamabutihan ang dalawa niyang anak; natakot siyang ipagtapat ang mga ito kaya nagpakamatay na lang siya.
“Uminom na po ako, Doktor, ng kumintang, tubig ng Carabana at iba pang mga gamot na ipinayo ng isang hilot, ngunit hindi nalaglag.”
"Antes que te cases, mira lo que haces.” (103)
“Bago ka mag-asawa, tingnan mo ang iyong ginagawa.”
Isang lalaking wagas ang pagmamahal sa babae; nanligaw ng halos dalawang taon; napag-alaman sa huli na mahal din pala siya ng babae.
“Ang lahat ng bagay dito sa mundo ay maaaring maabot sa katagalan, at iyon ang naiisip ni Juan: magpakamatay na lang kaya siya dahil sa pag-ibig na iyon na walang suwerte?...”
"Marahil ang hindi mo gustong gawin sa iyo, hindi mo rin gagawin sa iba."
Isang lalaki ay ginawa ang lahat para sa minamahal ngunit nagtaksil pa rin ang babae; nagtapos sa pagpatay ng lalaki sa babae.
Nagsimula at nagtapos ang mga tula na may nakitilan ng buhay.
MGA TEMANG LUMILITAW
- PAGTATAKSIL
- KABIGUAN
- OPRESYON NG KABABAIHAN
- PAGBABAGO NG PANINIWALA
- PAGMAHAL SA INA/INANG BAYAN