1 of 14

Slide Notes

DownloadGo Live

Manuel L. Quezon

Published on Nov 18, 2015

No Description

PRESENTATION OUTLINE

MANUEL L. QUEZON

AMA NG PAMBANSANG WIKA
Photo by J. Tewell

PAMUMUNO NI QUEZON

  • Siya ang ikalawang pangulo ng Pilipinas.
  • Namuno siya mula 1935 hanggang 1944.
  • Namuno siya noong "Commonwealth Period".
  • Siya ang unang pangulo na binoto sa halalan.
  • Ang bise pangulo ay si Sergio Osmeña
Photo by J. Tewell

KABATAAN NI QUEZON

  • Ipinanganak siya noong Agosto 19, 1878
  • Ipinanganak siya sa Baler, Tayabas (Aurora)
  • Ang tatay niya ay si Lucio Quezon
  • Ang nanay niya ay si Maria Dolores Molina
  • Pareho silang mga guro sa elementarya.
Photo by J. Tewell

Nagtapos ng "highschool" si Quezon sa Colegio de San Juan de Letran. Pinatay ang tatay at kapatid niya na si Pedro, kaya tumigil muna siya ng pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas para sumali sa himagsikan ni Emilio Aguinaldo laban sa Estados Unidos.

Noong 1916, naging pangulo ng senado o "senate president" si Quezon hanggang 1935.
Nabigyan din siya ng karapatan para
mag-appoint ng Korte Suprema na puro Pilipino.

MGA KASALI SA KORTE SUPREMA

  • Ramon Avanceña (Chief Justice)
  • Jose Abad Santos
  • Claro M. Recto
  • Jose P. Laurel

Nanalo si Quezon sa halalan bilang pangulo noong 1935, at siya ang naging ikalawang pangulo ng Pilipinas. 68% ang nakuha niyang boto laban kina Emilio Aguinaldo at Gregorio Aglipay.

Nilikha ni Quezon ang "National Council of Education" kasama si Rafael Palma. Sa panahon na iyon, mayroong 1,262,353 na mag-aaral na naka-enroll at 28,485 na guro.

Ginawa rin ni Quezon ang "Women's Suffrage". Nagkaroon ng "plebiscite"
ang mga kababaihan tungkol dito kung gusto nila ito o hindi. 44,307 ang ayaw, pero 447,725 ang gusto, kaya nilikha ito ni Quezon.

Ang pinakamahalagang ginawa ni Quezon ay gumawa siya ng pambansang wika para sa Pilipinas. Una, sinabi niya na Tagalog ang pambansang wika, pero mayroong mga hindi sumang-ayon dito, kaya ito ay naging Pilipino, at sa huli, ginawa itong Filipino.

Sumali ulit si Quezon sa halalan noong 1941 bilang pangulo, at nanalo ulit siya. 82% ang nakuha niyang boto laban kay Senator Juan Sumulong.

Noong ikalawang digmaang pandaigdig, nag-evacuate si Quezon sa Corregidor, Visayas, at Mindanao. Inimbitahan din siya ni President Roosevelt para pumunta sa Australia at Washington D.C. sa Estados Unidos. Doon siya sumulat ng kanyang autobiograpiya, "The Good Fight".

Si Aurora Aragon Quezon ang asawa ni Manuel Quezon. Mayroon silang apat na anak: sina Maria Aurora Quezon,
Maria Zeneida
Quezon-Avancena,
Luisa Corazon Paz Quezon,
at Manuel L. Quezon, Jr.

Namatay si Quezon noong Agosto 1, 1944 sa Saranac Lake, New York, dahil sa "tuberculosis". Nilibing muna siya sa "Arlington National Cemetary", tapos nilibing siya sa "Manila North Cemetary", at sa huli, sa "Quezon Memorial Circle".

Photo by Jepster