PRESENTATION OUTLINE
Isang araw, habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka, narinig niyangnagmamaktol ang kaniyang anak na lalaki. Narinig nitong binabanggit ng kaniyang anak ang hirap at pagod na nararanasan sa pagsasaka at pagbubungkal ng bukirin
Ayon pa sa anak , nararamdaman niya na hindi makatarungan ang kaniyang buhaydahil sa hirap na nararanasan niya. Sa pagkakataong iyon, tiningnan ng ama anganak at tinawag niya papunta sa kusina.
Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang sa apoy. Walang narinig na ano mang salitaan sa mga oras na yaon. Hinayaan lamang nila nakasalang na mga palayok. Hindi nagtagal, kumulo ang tubig.
Sa unang palayok ,
inilagay ng ama ang carrot. Sa pangalawa naman ay mga itlog. Sa panghuli, butil ng kape ang inilahok.
“Sa tingin mo, ano ang maaaring mangyari sa carrot, itlog at butil ng kape na aking inilahok?” tanong ng ama.
“Damhin mo ang mga ito,” hikayat ng ama.
“Ano ang iyong napuna?” bulong ng ama.
Napansin ng anak na ang carrot ay lumambot. Inutusan naman siya ng ama na kunin ang itlog at hatiin ito.
Matapos mabalatan ang itlog, napansin niya na buo at matigas na ito dahil sa pagkakalaga.
“Higupin mo ang kape,” utos ng ama.
“Bakit po?” nagugulumihanang tanong ng anak.
Nagsimulang magpaliwanag ang ama tungkol sa dinaanang proseso ng carrot, itlog,at butil ng kape. Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang naging reaksiyon.
Ang carrot na sa una ay matigas, malakas, at tila di matitinag subalit matapos mailahok sa kumukulong tubig ay nagging malambot na kumakatawan sa kahinaan. Ang itlog na may puti at manipis na balat bilang proteksiyon sa likidong nasa loob nito, ay naging matigas matapos mapakuluan. Samantala, ang butil ng kape nang ito ay mailahok sa kumukulong tubig ay natunaw ngunit kapalit nito ay karagdagang sangkap na magpapatingkad dito.
“Alin ka sa kanila? tanong ng ama sa anak.
Ikaw ba ay magiging carrot na malakas sa una subalit nang dumating ang pagsubok ay naging mahina?
O kaya naman ay magiging tulad ng itlog na ang labas na balat ay nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago ng init ng kumukulong tubig? Ang itlog ay nagpapaalala na minsan may mga taong sa una ay may mabuting puso subalit kapag dumaan ang pagsubok tulad ng sigalot sa pamilya o mga kaibigan, sila ay nagkakaroon ng tigas ng kalooban upang hindi igawad ang kapatawaran sa nagkasala.
O maging tulad ka kaya ng butil ng kape na nakapagpabago sa kumukulong tubig? Kapuna-puna na sa tulong ng butil ng kape, nadagdagan ng kulay at bango ang kumukulong tubig
“Kaya anak, ikaw ba ay carrot , itlog, o butil ng kape?” tanong muli ng ama.
Ngumiti ang anak, kasunod ang tugon – “ako ay magiging butil ng kape...” katulad mo mahal na ama.
1. Paghambingin ang butil ng kape sa carrot at itlog nang ang mga ito ay inilahok
sa kumukulong tubig.
2. “Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang naging
reaksiyon.” Paano mo maiuugnay ang pahayag na ito sa buhay ng tao?
3. Mabisa ba ang naging representasyon ng ama upang magkaroon ang anak
ng maliwanag na pananaw sa kahirapang kanilang kinakaharap? Patunayan.
4. Kung ikaw ang anak, paano mo haharapin ang hirap ng buhay?
5. Bigyang-kahulugan ang sinisimbolo ng butil ng kape sa kuwento.