1 of 22

Slide Notes

DownloadGo Live

Mga Tauhan ng Noli Me Tangerine

Published on Nov 18, 2015

No Description

PRESENTATION OUTLINE

Untitled Slide

MARIA CLARA MAYUMING KASINTAHAN NI CRISOSTOMO; MUTYA NG SAN DIEGO NA INIHIMATONG ANAK NG KANYANG INA NA SI DOÑA PIA ALBA KAY PADRE DAMASO

Crisostomo Ibarra
Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.

Kapitan Tiyago
Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.

Untitled Slide

Sisa
Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.

Padre Sibyla
Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.

Kapitana Maria
Tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.

Padre Damaso
Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Dieg

Don Filipo
Tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni Sinang

Mang Pablo
Pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.

Kapitan Basilio
Ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin

Albino
Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.

Alperes
Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego


Padre Salvi
Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara

Pilosopo Tasyo
Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.

Basilio at Crispin
Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.

Donya Victorina
Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila.

Donya Consolacion
Napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.

Don Tiburcio de Espadaña
Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.

Señor Nol Juan
Namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.

Lucas
Taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.

Tarsilo at Bruno
Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.

Tiya Isabel
Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.

Iday, Sinang, Victoria,at Andeng
Mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego

Kapitan-Heneral
Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.

Don Rafael Ibarra
Ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe.

Don Saturnino
Nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.

Tinyente Guevarra
Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.