Walang taong namumuhi sa sarili niyang katawan. Sa halip, ito'y kanyang pinapakain at inaalagaan, tulad ng ginagawa ni Cristo sa iglesya. (Mga Taga-Efeso 5:29 MBB05)
Ang mga bahagi ng katawan na inaakala nating hindi gaanong kapuri-puri ay pinag-uukulan ng higit na pagpapahalaga. Ang mga bahaging hindi likas na maganda ang siya nating higit na pahalagahan. (1 Mga Taga-Corinto 12:23 MBB05)
Pati na ang asawa ko'y nandidiri sa akin; mga kapatid ko sa laman, ayaw akong makapiling. (Job 19:17 MBB05) My wife can't stand the smell of my breath, and my own brothers won't come near me. (Job 19:17 GNT)
patutunayan niya ito sa harapan ng Diyos: dadalhin siya sa pintuan, sa tabi ng poste ng pinto at bubutasan ang isa niyang tainga. Sa gayon, magiging alipin siya habang buhay. (Exodo 21:6 MBB05)
“Ang mata ang ilaw ng katawan. Kung malinaw ang iyong paningin, maliliwanagan ang iyong buong katawan. Ngunit kung malabo ang iyong paningin, mapupuno ng kadiliman ang iyong buong katawan. At kung ang liwanag mo'y madilim, ikaw nga ay tunay na nasa kadiliman.” (Mateo 6:22-23 MBB05)
Nangyari agad kay Nebucadnezar ang sinabi ng tinig. Itinaboy siya sa parang at kumain ng damo, tulad ng baka. Nabasa siya ng hamog. Humaba ang buhok niya na parang balahibo ng agila, at ang kuko ay naging tila kuko ng ibon. (Daniel 4:33 MBB05)