I urge Euodia and Syntyche to iron out their differences and make up. God doesn’t want his children holding grudges. And, oh, yes, Syzygus, since you’re right there to help them work things out, do your best with them. These women worked for the Message hand in hand with Clement and me, and with the other veterans—worked as hard as any of us. Remember, their names are also in the Book of Life. (Philippians 4:2, 3 MSG)
Nakikiusap ako kina Euodia at Sintique na sila'y magkasundo na bilang magkapatid sa Panginoon. Ipinapakiusap ko rin naman sa iyo, tapat kong kasama, na tulungan mo ang dalawang babaing ito. Sila man ay kasama kong nagpagal sa pagpapalaganap ng Magandang Balita, kasama si Clemente at ang iba pang kamanggagawa ko. Ang pangalan nila'y nakasulat sa aklat ng buhay. (Mga Taga-Filipos 4:2, 3 MBB05)
Kaya nga, sapagkat mayroong kasiglahan ang buhay kay Cristo, mayroong kaaliwan ng pag-ibig, mayroong pakikiisa ng Espiritu Santo, at mayroong kagandahang-loob at malasakit para sa isa't isa, lubusin ninyo ang aking kagalakan; magkaroon kayo ng iisang kaisipan, mabuklod kayo sa iisang pag-ibig, at magkaisa kayo sa puso't diwa. (Mga Taga-Filipos 2:1, 2 MBB05)
Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa paghahangad ninyong maging tanyag; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili. (Mga Taga-Filipos 2:3, 4 MBB05)