PRESENTATION OUTLINE
Uri ng Dulang Pantanghalan Ayon sa Anyo
Komedya - katawa-tawa, magaan sa loob dalhin ang tema, at ang mga tauhan ay laging nagtatagumpay sa wakas.
Trahedya - kung ang tema nito'y mabigat o nakasasama ng loob, kaiiyak, nakalulunos ang mga tauhan, karaniwang sila ay nasasadlak sa kamalasan, kabiguan, kawalan, at maging sa kamatayan, kaya nagwawakas nang malungkot.
Melodrama o Soap Opera - kung ito ay sadyang namimiga ng luha sa manonood na parang wala nang masayang bahagi sa buhay ng tahanan kundi pawang problema na lamang ang nangyayari sa araw-araw. Ito ay karaniwang mapanonood sa mga de-seryeng palabas sa telebisyon.
Tragikomedya - kung magkahalo ang katatawanan at kasawian. May tauhang katawa-tawa subalit sa huli nagiging malungkot na dahil nasasawi o namamatay ang bida o ang mga bida.
Saynete - ang paksa nito ay nahihinggil sa paglalahad ng mga kaugalian ng isang lahi o katutubo, sa kanyang pamumuhay, pangingibig , at pakikipagkapwa.
Parsa - kapag puro tawanan lamang kahit walang saysay ang kuwento.
Parodya - kapag ito ay mapanudyo, ginagaya ang mga kakatwang ayos, kilos, pagsasalita, at pag-uugali ng tao bilang isang anyo ng komentaryo o pamumuna o kaya'y pambabatikos na katawa-tawa ngunit nakakasakit ng damdamin ng pinauukulan.