Matapos gawin ang lahat ng ito, sinabi ng Panginoong Yahweh, “Hindi mabuti na mag-isa ang tao; bibigyan ko siya ng isang angkop na makakasama at makakatulong.” (Genesis 2:18 RTPV05)
Dapat nga na ang obispo ay walang kapintasan, asawa ng isa lamang babae, mapagpigil, mahinahon ang pagiisip, mahusay, mapagpatuloy, sapat na makapagturo; (I Kay Timoteo 3:2 TLAB)
Halaman ay magaganda, waring hardin ng granada, namumukod, natatangi ang kanyang mga bunga— mahalimuyak ang mga nardo, mababango ang hena. Nardo at safron, mabangong kanela at kalamo, at lahat ng punongkahoy ay may samyo ng insenso, mira, at aloe na pangunahing pabango. Ang tubig na ginagamit na pandilig nitong hardin, ay ang agos ng tubig na sa Lebanon pa nanggagaling. (Ang Awit ni Solomon 4:13-15 RTPV05)
Gabi-gabi, sa higaan ang mahal ko'y hinahanap, ngunit hindi masumpungan kahit na sa pangarap. Akong ito'y bumabangon, sa lunsod ay naglalakad, ang lansangan sa paligid ay aking ginagalugad; ngunit hindi matagpuan ang sinta kong nililiyag. (Ang Awit ni Solomon 3:1-2 RTPV05)
Kaunti lamang ang inilagpas ko sa kanila. Nang masumpungan ko siya na sinisinta ng aking kaluluwa: pinigilan ko siya, at hindi ko binayaang umalis, hanggang sa siya'y aking nadala sa bahay ng aking ina, at sa silid niya na naglihi sa akin. (Ang Awit ng mga Awit 3:4 TLAB)
Dapat tuparin ng lalaki ang tungkulin niya sa kanyang asawa, at gayundin naman ang babae. Sapagkat hindi na ang babae ang may karapatan sa sarili niyang katawan kundi ang kanyang asawa. Gayundin naman, hindi na ang lalaki ang may karapatan sa sarili niyang katawan kundi ang kanyang asawa.
Huwag ninyong ipagkakait ang inyong sarili sa isa't isa, malibang pagkasunduan ninyong huwag munang magsiping upang maiukol ninyo ang panahon sa pananalangin. Ngunit pagkatapos, magsiping na muli kayo upang hindi kayo matukso ni Satanas dahil sa hindi na kayo makapagpigil. (1 Mga Taga-Corinto 7:3-5 RTPV05)