Ayon kay Gleason, ang wika ay isang sistemang balangkas na binubuo ng mga simbolo at tunog na pinili sa paraang arbitraryo na ginagamit ng mga tao sa isang lipunan sa pakikipagtalastasan.
Teoryang ding-dong - ayon kay Muller, binigyang-diin ang ugnayan ng tunog sa kahulugan. Ang mga bagay na maliliit, matutulis, matataas ay nagtataglay ng matataas na tono ng unang pantig. Kabaligtaran naman ito sa mas malalaking bagay.
Teoryang yo-he-ho - mula sa ritmo, ayon kay A.S Diamond, maaaring ito ay pagtawag o paghingi ng kooperasyon.
Teoryang sing-song - Ayon kay Jesperson, naniniwala siyang ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, panliligaw, atbp. Maaaring ang unang nabuong wika ay mahaba at may himig ng musika o musikal.
Teoryang hey you! - ayon kay Revesz, mayroon tayong pangangailangang makipag-ugnayan. Ang wika ay nagmula sa tunog na tumutukoy sa sarili ang kasama o pagiging bahagi ng isa. Maaaring magpahayag ng takot, galit o pagkakasakit(tulungan mo ako)
Teoryang Eureka! ang wika ay malay na inimbento. Maaaring ang mga ninuno ay nagtakda ng mga arbitraryong tunig upang magtaglay ng kahulugan.