1 of 19

Slide Notes

DownloadGo Live

Allelous

Published on Feb 06, 2016

No Description

PRESENTATION OUTLINE


“Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo ngayon, mag-ibigan kayo! Kung paano ko kayong inibig, gayundin naman, mag-ibigan kayo. Kung kayo'y mag-iibigan, makikilala ng lahat na kayo'y mga alagad ko.”
(Juan 13:34, 35 RTPV05

Photo by vgm8383

Untitled Slide

  • Utos
  • Mag-ibigan
  • Gaya ng pag-ibig
  • Makikila ng mundo

PAANO MO GUSTONG MAKILALA?

ANG IYONG KUMPANYA

LETTER TO THE ROMANS


Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi, at magkakaiba ng gawain ang bawat isa, gayundin naman, kahit na tayo'y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat ay bahagi ng isa't isa. (Mga Taga-Roma 12:4, 5 RTPV05)

Magmahalan kayo bilang tunay na magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo.
(Mga Taga-Roma 12:10 MBB05)


Huwag na nating hatulan ang isa't isa. Huwag na rin tayong maging dahilan ng pagkakasala ng ating kapatid.
(Mga Taga-Roma 14:13 MBB05)

Kaya't pagsikapan nating gawin ang mga bagay na makakapagdulot ng kapayapaan at makakapagpatibay ng pananampalataya ng isa't isa.
(Mga Taga-Roma 14:19 MBB05)

Kaya nga, mga kapatid, kapag nagkakatipon kayo upang kumain, maghintayan kayo.
(1 Mga Taga-Corinto 11:33 MBB05)

upang hindi magkaroon ng pagkakabaha-bahagi, at sa halip ay magmalasakit sa isa't isa.
(1 Mga Taga-Corinto 12:25 MBB05)

Untitled Slide

Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag naman ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod ang hilig ng laman, kundi maglingkod kayo sa isa't isa sa diwa ng pag-ibig. 
Ngunit kung kayo'y nagkakagatan at nagsasakmalang parang mga hayop, mauubos kayo.
(Mga Taga-Galacia 5:13, 15 MBB05)


Huwag na tayong maging palalo, huwag na nating galitin ang isa't isa, at huwag na rin tayong mag-inggitan.
(Mga Taga-Galacia 5:26 MBB05)

Magtulungan kayo sa pagdadala ng pasanin ng bawat isa, sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang utos ni Cristo. (Mga Taga-Galacia 6:2 MBB05)

Kayo'y maging mapagpakumbabá, mahinahon at matiyaga. Magmahalan kayo at magpasensiya sa isa't isa. (Mga Taga-Efeso 4:2 MBB05)

Dahil dito, itakwil na natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay magsabi ng totoo sa isa't isa, sapagkat tayo'y bahagi ng iisang katawan.
 Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo. (Mga Taga-Efeso 4:25, 32 MBB05)


Huwag kayong magsisinungaling sa isa't isa, sapagkat hinubad na ninyo ang dati ninyong pagkatao, pati ang mga gawa nito. Magpasensiya kayo sa isa't isa at magpatawad kayo kung may hinanakit kayo kaninuman. 
Magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon. Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. 
. (Mga Taga-Colosas 3:9, 13 MBB05)


Noong una, tayo'y mga hangal, hindi masunurin, naliligaw at naging alipin ng makamundong damdamin at lahat ng uri ng kalayawan. Naghari sa atin ang masamang isipan at pagkainggit. Tayo'y kinapootan ng iba at sila'y kinapootan din natin. (Tito 3:3 MBB05)


Mga kapatid, huwag kayong magsiraan sa isa't isa. Ang namimintas o humahatol sa kanyang kapatid ay namimintas at humahatol sa Kautusan. At kung hinahatulan mo ang Kautusan, hindi ka na tagasunod ng Kautusan kundi isang hukom nito. (Santiago 4:11 MBB05)


Mga kapatid, huwag na kayong magsisihan sa isa't isa upang hindi kayo hatulan ng Diyos, sapagkat malapit nang dumating ang Hukom. 
Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid. (Santiago 5:9, 16 MBB05)


Ngunit kung namumuhay tayo ayon sa liwanag, gaya ng pananatili niya sa liwanag, tayo'y nagkakaisa at ang lahat ng ating kasalanan ay nililinis ng dugo ni Jesus na kanyang Anak. (1 Juan 1:7 MBB05)

Ipagkaloob nawa ng Diyos, na siyang nagbibigay sa atin ng katatagan at lakas ng loob, na kayo'y mamuhay nang may pagkakaisa kay Cristo Jesus, upang sa gayon, nagkakaisa kayong magpupuri sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Kung paanong kayo'y malugod na tinanggap ni Cristo, tanggapin ninyo ang isa't isa upang mapapurihan ang Diyos. (Mga Taga-Roma 15:5-7 MBB05)