PRESENTATION OUTLINE
Ito ay tumutukoy sa paglikha ng mga bagay o serbisyo upang matugunan ang pangangailangan ng mga tao
Nangangailangan ng mga materyal at kagamitan ang anumang paggawa ng isang bagay o kalakal upang magkaroon ng produksyon
Ang produksyon ang pinakamahalagang bahagi ng proseso sa ekonomiya
IBA’T IBANG ANYO NG PRODUKSYON
Ito naman ang mga hilaw na sangkap, mga bagay na nagmula sa natural utility subalit hindi sapat ang kaligayahang naidudulot sa tao kung kaya kailangang sumailalin sa isang proseso upang mabago ang anyo.
Ito naman ang mga hilaw na sangkap, mga bagay na nagmula sa natural utility subalit hindi sapat ang kaligayahang naidudulot sa tao kung kaya kailangang sumailalim sa isang proseso upang mabago ang anyo.
Ito ang mga produktong ginagawa sa angkop na panahon.
Ito ang anyo ng produksyon na maaari lamang ipagkaloob ng tao.Binabayarang serbisyo ng isang tao ang service utility upang matugunan ang kanyang mga pangangailangan.
Possesion or Ownership Utility
Ito naman ang anyo ng produksyon kung saan hindi na kailangan pang baguhin ang isang produkto subalit kailangang ipagbili sa isang taong higit na nakikinabang.
May mga produktong tumataas ang kapinabangan pati na rin ang halaga kapag ito ay inililipat nga lugar o pook.
Lupa Bilang Salik ng Produksyon
Sumasaklaw ang lupa sa lahat ng orihinal at hindi mapapalitang yaman ng kalikasan. Halimbawa nito ang matatabang lupang pinagtatamnan, ang mga lupang pastulan, lupa sa lungsod at iba pa. Nadaragdagan ang kapakinabangan ng lupa habang nalilinang ito.
Maaaring gamitin ang lupa sa iba’t ibang pamamaraan tulad ng pagsasaka, pabahay, pagtatayuan ng mga tanggapan, pagawaan at iba pa. Walang hanggan ang maaaring gamit ng lupa. Ang kapakinabangan ng lupa sa may-ari nito ay nagtatakda ng kita na tinatawag na upa.
Lakas-Paggawa Bilang Salik ng Produksyon
Ang lakas-paggawa ng pinakamahalagang salik ng produksyon. Maituturing na lakas-paggawa ng lakas-tao na ginagamit sa paglikha o paggawa ng kapaki-pakinabang na bagay. Ang kalikasan ang nagbibigay ng mga hilaw na sangkap o likas na yaman ngunit nakasalalay sa kamay ng tao ang paglinang nito upang maging kapaki-pakinabang ito.
Ang Kapital o Puhunan Bilang Salik ng Produksyon
Ano ang maaring mangyari sa produksyon at pangangalakal kung walang kapital? Marahil, ang mga pangunahing pangangailangan lamang ang magagawadahil walang mamumuhunan sa produksyon ng kagamitan, mga pampaginhawa sa buhay at bagong teknolohiya.
May malaking bahagi sa produksyon ang puhunan. Magiging kapaki-pakinabang lamang ang lupa kung gagamitan ng puhunan. Mahalaga rin sa paggawa ang puhunan upang matugunan ang pangangailangan. Nagiging maunlad ang industriyang pinaglalaanan ng malaking puhunan.
Ang Kakayahang Entreprenyur Bilang Salik ng Produksyon
Isang entreprenyur ang nagtatatag ng negosyong makapagbibigay ng malaking kapakinabangan sa mga mamamayan. Siya ang nasa likod na produksyon. Sa kanyang matalinong pagpapatakbo nakasalalay ang paglago ng isang negosyo.
Tumutukoy sa salapi at kagamitang ginagamit sa paggawa at pagbuo ng mga produkto .
a) Malayang Puhunan - mga produktong ginagamit sa paggawa at pagbuo ng iba pang produkto. Ginagawa ang tabla upang maging pinto, muebles, bintana, at iba pa.
b) Espesyal na puhunan - produktong magagamit lamang para sa isang natatanging layunin, halimbawa nito ay makinang pantahi.
c) Pirminihang puhunan - tulad nga paggawaan, makinarya at kagamitang tumatagal at paulit-ulit na ginagamit.
d) Palipat-lipat na puhunan - mga produktong maaring gamitin tulad ng uling, langis , gasolina, at kahoy na panggatong. Ito ay madaling maubos.