Ang pamimilosopiya ay isang tungkulin na dapat tupdin. Sa pamimilosopiya may pagtuklas ng katotohanan na nakakapagpalaya sa atin. At sa ating pagtuklas nito unti-unting nabubuo ang sarili na ang mithiin ay matamo ang isang buhay na mabuti at ganap. Sa pagbubuo ng sarili nagkakaroon ng paniniwala sa sarili na may kakayanan akong magpakatao.
Hindi natin masasabi kung kailan tayo mabubuo. Nananatili ang ating identidad sa kalagitnaan ng pagbabago dahil may pagtitiwala tayo. Kaakibat ng patitiwalang ito; dapat may panggawang umuunawa at pagunawang gumagawa.