Sa Pula, Sa Puti ni Francisco Rodrigo Kulas: Iyon ay disgrasya lamang, Celing, makinig ka. Alam mo, kagabi ay nanaginip ako. Napanaginipan kong ako'y hinahabol ng isang kalabaw na puti. Kalabaw na puti, Celing!
Sino Ba Kayo? ni Julian Cruz Balcameda Juan – Ito nga namang suwerte ng tao…. Sino ang makakahuhula na ang gaya ni Dona Marcela, naparoon sa Iloilo, nagnegosyo ng asukal, inabot ng guerra, hindi nakauwim, dumating ang raid, pumasok sa isang air-raid shelter, doon natagpuan si Sr. Sikuterat.. At gaya ng nalalaman mo na.. doon siya na-direct-hit….
Narciso Reyes' Lupang Tinubuan ‘Walang maganda rito kundi ang langit,’ ang sabing pabiro ng kutsero ng karitelang sinasakyan nila. Pinaglalabanan ni Danding ang sulak ng pagkabigo sa kanyang dibdib. ’ Hindi po naman,’ ang marahan niyang tugon. Naisaloob niyang sa mga nayong tulad nito isinilang at nagsilaki sina del Pilar, at iba pang bayani ng lahi, at sa gayong mga bukid nagtining ang diwa ng kabayanihan ng himagsikan laban sa mga Kastila. Ang alaalang iyon ay nakaaaliw sa kanya, nagbigay ng bagong anyo sa lahat ng bagay sa paligid-ligid.
Liwayway Arceo's Uhaw ang Tigang na Lupa Lasing na lasing si Ama. Karaniwan nang umuuwing lasing si Ama ngunit, kakaiba ang kalasingan niya nagyong gabi. Hinihilamusan siya ni Ina ng malahiningang tsaa, ngunit wala itong naibigay na ginhawa. Hindi rin kumikino si Ina: nasa mga mata niya ang hindi maipahayag na pagtutol. Sapagkat may isusulat ako...sapagkat ikamamatay ko ang pighating ito...sapagkat...sapagkat...sapagkat...