Kasaganahan at kaunlaran sa halos lahat ng aspeto ng pamumuhay ang namayani sa Europe sa huling bahagi ng ika-19 na siglo
Bago pa man dumating ang unang digmaang pandaigdig ay may mga pwersa nang magpapaigting na magiging dahilan ng pagsiklab ng malaking digmaan.Subalit may tiwala ang mga tao na mananatili ang kaunlaran dahil sa pagsisikap ng mga samahang pandaigdig.
Tunggalian sa Teritoryo - pagkamkam ng ibang teritoryo ang isa sa mga dahilan ng unang digmaan , upang mapalawak at madagdagan ang bilang ng nasasakupang teritoryo.
Hiniling ng Serbia ang makipagsanib sa imperyong austo-hungarian at lumikha ng "Greater Serbia" , ngunit hindi ito sumang-ayon dahil sa nangangamba itong ang maliliit na pangkat tulad ng mga Slav at humingi ng sariling pamamahala na magdulot ng rebelyon.
Noong Hunyo 18,1914 - si Archduke Franz Ferdinand na tagapagmana ng Austria-Hungary ang pinatay kasama ang asawa
Matapos palubugin ang "Luisitania" - isang barko ng Great Britain na maraming amerikanong pasahero . Nagdeklara ang United States ng pakikidigma noong Abril 6,1917 para sa Demokrasya.
Bago pa man magsimula ang digmaan mayroon nang mga krusero (isang barkong pandigma) ang Alemanya na nakakalat sa buong mundo na nagsasagawa ng pag-atake sa mga barkong pangalakal ng Alyadong Pwersa . Nang sumiklab ang digmaan, sinimulan ng maharlikang hukbo dagat ng Imperyong Briton ang pagtugis sa mga kruserong ito.
Sa kabilang banda , isang kruserong Aleman na nagngangalang "SMS EMDEN" ang nakapagpalubog ng isang kruserong Ruso , isang distroyer ng mga Pranses at iba pang 15 barkong pangalakal ng Alyadong pwersa .
Noong Mayo 7,1915 isang pampasaherong barko ng Britanya ang "RMS LUISITANIA"na nagdadala ng 1,959 katao at ilang armas ang lumubog matapos tamaan ng turpido mula sa "SM U-20", isang "U BOAT" . 1,198 pasahero ng nasabing barko ang namatay sa nasabing pag-atake .
Nagprotesta ang Estados Unidos laban sa pagpapalubog ng RMS LUISITANIA sapagkat 128 sa mga pasaherong namatay ay mga amerikano . Nangako naman ang Alemanya na hindi na muling magsasagawa ng anumang pag-atake , ang kanyang mga U-BOAT laban sa mga pampasaherong barko .
Noong Mayo 31 hanggang Hunyo 1,1916 nagsagupa ang kapwa naglalakihang barkong pandigma ng Alemanya't Britanya sa "Labanan sa Jutland" malapit sa Dinamarka. Itinuturing ito bilang isa sa mga malalaking sagupaan sa dagat na naganap sa kasaysayan. Ang labanan na pinangunahan nina Bise Almirante Reinhard Scheer ng plotang Aleman at
Almirante Sir John Jellicoe ng plotang briton ay nakapagdulot ng malaking pinsala sa panig ng mga Briton bagaman nagawa nilang mapanatili ang dominansya sa Dagat Hilaga hanggang sa katapus-tapusan ng digmaan.
Krisis sa Bosnia ( 1908-1909) -pagsakop ng austria-hungary sa bosnia.-umasa ang serbia na tutulong ang russia sa pagsakop nito sa bosnia ngunit walang nangyari.
Krisis sa Agadir (1911) -tunggalian sa pagitang france at germany sa ,ga teritoryo ng aprika.-