PRESENTATION OUTLINE
DEBORAH TANNEN
- Si Deborah Tannen ay isang university professor at propesora ng linggwistika sa Georgetown University
- Manunulat ng maraming libro at artikulo tungkol sa wika at ang epekto ng pangkaraniwang pakikipag-usap sa relasyon ng tao.
JESUS FEDERICO HERNANDEZ
- Si Propesor Hernandez ay dating Chair ng Departamento ng Lingguwistika sa Unibersidad ng Pilipinas
- Ang "Pasok sa Banga (Wika ng mga Bakla)" ay iprinisenta niya sa Sawikaan 2010 sa UP Diliman noong July 29, 2010
Ayon kay Tannen, ang mga babae at lalaki ay pinapalaki sa magkaibang kultura. Ito ang dahilan kaya ang komunikasyon sa pagitan nila ay nagiging cross-cultural na komunikasyon. Dahil sila ay tumatanda sa magkaibang mundo, nagbibigay daan ito sa pagkakaroon ng magkaibang estilo ng pag-uusap sa pagitan ng mga lalaki at babae. Ito ay kilala bilang GENDERLECTS.
STATUS VS SUPPORT
- Ang mga lalaki ay nabubuhay sa isang mundo na kompetitibo ang kombersasyon. Sinusubukan nilang makuha ang upper hand upang mapigilan ang iba na dominahin sila.
- Para sa babae naman, ang pakikipagusap ay paraan para makakuha ng apirmasyon at suporta sa kanilang mga ideya.
INDEPENDENCE VS INTIMACY
- Ang mga babae ay karaniwang nagbibigay ng importansya sa kalapitan at pagsuporta upang mapanatili ang intimacy.
- Ang mga lalaki na nag-aalala tungkol sa kanyang katayuan o estado ay mas nagbibigay ng importansya sa hindi pag-asa sa iba.
ADVICE VS UNDERSTANDING
- Para sa karamihan ng mga lalaki, ang isang reklamo o daing ay hamon upang makahanap ng solusyon.
INFORMATION VS FEELINGS
- Ayon daw sa kasaysayan, ang mga alalahanin ng mga lalaki ay tinuturing na mas mahalaga kaysa sa mga alalahanin ng mga babae. Ngayon ay maaring ibaliktad ang sitwasyong ito na ang pagbibigay ng impormasyon ay hindi kasing importante ng pagbabahagi ng emosyon. Mula sa pananaw ng mag-aaral ng wika, walang isang wika ang hihigit sa iba dahil sila ay pantay.
ORDERS VS PROPOSALS
- Ang mga babae ay kadalasan nagpapahiwatig ng payo sa hindi direktong paraan.
- Ang mga lalaki naman ay mas madalas na gumagamit ng direktong pahiwatig o mga utos.
CONFLICT VS COMPROMISE
- Sa pag-iiwas sa di pagkakasunduan, ang ibang babae ay hindi harapang tututol sa iba kahit na mas mabuti at mabisa para sa isang babae ang ipahayag ang kanyang sarili.
Magkaibang estilo ng komunikasyon
- RAPPORT-TALK - para sa mga babae, sila ay gumagamit ng pakikipag-usap upang mapalapit sa iba.
- REPORT-TALK - para sa mga lalaki, ang pag-uusap ay para makakuha ng impormasyon.
- METAMESSAGES - mga impormasyon tungkol sa relasyon at saloobin ng mga tao na sangkot sa usapan. Ito ay resulta ng magkakaibang intensyon sa pakikipag-usap
Ang mga lalake at babae ay mas gugustuhin na maintindihan ang isa't isa sa kanilang estilo dahil iniisip natin na nabubuhay tayo sa parehong mundo ng komunikasyon. Ayon kay Tannen, kung pag-iisipan lang natin ito, karamihan ng hindi pag-kakasunduan ay maaring maiwasan. Ang pag-unawa sa paraan ng komunikasyon ng magkaibang kasarian ay magiging isang tulay para mas mapabuti ang pakikipagtalastasan at relasyon ng mga tao.
GENDER DIFFERENCES IN CONVERSATIONAL COHERENCE: TOPICAL COHESION
Untitled Slide
- Sa kabanatang ito, pinagtutuunan ng pansin ang pamamaraan ng pakikipag-usap ng mga lalaki at babae, at kung paano sila nagkakaiba sa paggamit ng wika sa hangaring ito.
- Ipinakita sa kabanata ang ilang eksperimento na nakatugon sa pagmasid sa mga pares ng lalaki at mga pares ng babae sa kanilang pakikipagtalastasan.
mula sa pag-uusap ng pares, napagtanto na:
- Mahigpit sa pagkatutok sa isang paksa.
- Kakaunti o halos walang hirap sa paghanap ng pag-uusapan.
- Bihirang ginamit ang silid bilang kuhanan ng paksa.
- Pag-uusap tungkol sa "pagkakahiwalayan, pag-iwas sa poot o galit, at hindi pagkakaintindihan".
MULA SA PAG-UUSAP NG PARES, NAPAGTANTO NA:
- Mas kalat ang saklaw ng mga napag-uusapan.
- Hirap ang mga kalalakihang maghanap ng mapag-uusapan na paksa.
- Kadalasang ginamit ang silid (o mga bagay dito) bilang kuhanan ng mga pag-uusapan
- Pag-uusap tungkol sa usaping marahas.
Untitled Slide
- Ito ay tawag sa salitang bakla
- Nagmula sa salitang beki o bakla at mon na nagmula sa salitang monster
Estruktura ng Salitang Bakla
- Ang lahat ng wika ay napasasailalaim sa mga alituntunin at nakapaloob sa sa isang sistema na nagsisilbing paaan ng pagkodigo at pagdekodigo ng mga nagsasalita at nakikinig
Mga Prosesong Panligguwistika sa Pagbuo
- Paglalapi
- Pagpapalit ng tunog
- Paggamit ng akronim
- Pag-uulit ng Salita o Bahagi ng Salita
- Pagkakaltas
- Katunog
- Panghihiram
Paglalapi
- Makikita sa mga panlapi ang mga dagdag na kahulugan na ikinakabit sa isang salita.
- Ginagamit para ipahayag ang mga kahulugan tulad ng aspekto, modality, atbp.
Untitled Slide
- May mga panlapi na walang taglay na kahulugan (semantically empty) kung kaya’t di nagbabago ang kahulugan ng salitang ugat.
- Hal. Anek = Anekwabum
Wit = Wititit/Witchikola
Untitled Slide
- pinapalitan ang isang tunog o isang bahagi ng salita ng ibang tunog o ibang pantig
- Hal. Siyota = jowa
Tulog = borlog
Nakakaloka= Nakakalerki
Paggamit ng Akronim
- pinapaikli ang isang grupo ng mga salita sa pamamagitan ng paggamit ng mga unang letra ng bawat salita sa grupo
- Hal. GL = Ganda Lang
PGH = Pa-Girl na Halimaw
Pag-uulit ng Salita o Bahagi ng Salita
- Tinatawag ding reduplikasyon o pag-uulit ng isang bahagi ng salita o ng buong salita.
- Ang pag-uulit ng bahagi ng salita ay nagbibigay ng iba’t ibang kahulugan sa salitang nauulit.
- Hal. Chika = chika-chika
Kiyeme= kiyeme-kiyeme
Pagkakaltas
- Dalawang uri ng pagkakaltas: (a) pagkaltas ng mga bahagi ng salita (deletion); (b) ang pagkaltas ng mga bahaging dalawang salita at ang pagsanib nitong dalawa (blending)
- Hal. Malay Ko = Ma
Ang Datung = Anda
Katunog
- Ang paglalaro ng mga tunog ng salita at ang paggamit ng mga katunog na salita, pangalan ng tao o lugar bilang pamalit sa orihinal na salita.
- Hal. Carmi Martin = karma
Hagardo Versosa = haggard/pagod
Panghihiram
- Ang mga salitang hiram ay binabago at ginagamit ayon sa pangangailangan ng mga nanghiram.
- Hal. Fly = Alis
Watashi = Ako
Pagbabago ng Kahulugan ng Salitang Hiram
- nabubura ang pagkakaiba ng kahulugan ng dalawang salita.
- ang mga salitang ito’y bunga ng kasaysayan, pakikipagsapalaran, at pakikipagtunggali dito sa Pilipinas.
Ilang Mahalagang Katangian ng Salitang Bakla
- dinamiko at mabilis magbago
- pagkukubli o veiling
- itinatago ang orihinal na anyo ng salita nang sa gayon ay hindi ito maintindihan
- Nagsisilbing panangga at sandata
Ang Salitang Bakla at ang Filipino
- Hindi maiiwasan ang makarinig ng mga salitang nagmumula sa sosyolek ng mga bakla dahil na rin sa ang showbiz sa ating lipunan ang isa sa mga kahon kung saan masasabing medyo may pagtanggap sa pagiging bakla.
Untitled Slide
- Nagsisilbi ang media bilang mga pangunahing instrumento ng pagpapakalat at pagpapasikat ng ilang salita mula sa sosyolek ng mga bakla.
Inihanda nina:
Elaiza Ghael Gamboa
at
Mervyn Macalalag